Building at construction permits, pinahihigpitan para iwas sunog
Ipinag-utos ni Department of Interior and Local Government Sec. Mel Senen Sarmiento sa mga lokal na pamahalaan na mahigpit na ipatupad ang mga polisiya ukol sa pagbibigay ng building at construction permits.
Aniya ito ay para maiwasan ang sunog na nag-uugat sa electrical overloads, defective wirings at iba pang isyu na may kinalaman sa elektrisidad.
Binanggit ni Sarmiento na base sa Philippine Electrical Code, kailangan ay may electrical plans kasama na ang design analysis ang lahat ng mga nais kumuha ng permits, para matiyak na updated ang mga disenyo ng anuman istraktura.
Sa desisgn analysis aniya, ay makikita ang kalkulasyon ng circuit system gayundin ang boltahe.
Binanggit pa nito na may mahalagang bahagi ang mga lokal na opisyal para sa maayos na pagpapatupad ng lahat ng nakasaad sa Republic Act 9136 o ang Electric Power Industry Reform Act o EPIRA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.