Kaso ng COVID-19 na naitatala sa Quezon City 19,940 na
Umabot na sa 19,940 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Sa datos na inilabas ng QC LGU, ang nasabing bilang ay validated na ng QC Epidemiology and Surveillance Unit at District Health Offices.
Sa 19,940 na mga kaso, 2,908 na lang ang aktibong kaso; 16,472 ang gumaling na at 560 ang nasawi.
Ayon sa QC LGU, ang mga report na lalabas linggu-linggo at kada dalawang linggo ay magpapakita ng mas komprehensibong datos at kabuuang trend ng COVID-19 sa lungsod.
Hinihikayat ang lahat ng residente na basahin at unawain ang mga report na ito upang mas maintindihan ang paliwanag sa mga kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.