White House adviser Stephen Miller nagpositibo sa COVID-19
Isa pang mataas na opisyal sa White House ang nagpositibo sa COVID-19.
Kinumpirma ni White House senior adviser Stephen Miller na nagpositibo siya sa sakit.
Ayon kay Miller, sa nakalipas na limang araw ay sumailalim na siya sa self-isolation at sa nasabing mga araw din ay ilang ulit siyang nag-negatibo sa COVID-19.
Pero ngayong araw aniya lumabas ang resulta na positibo siya sa sakit.
Maliban kay Miller, US Pres. Donald Trump, at First Lady Melania Trump, nauna nang nagpositibo sa COVID-19 ang adviser ni Trump na si Hope Hicks.
Kasunod nito ay nagpositibo din sa sakit si White House spokeswoman Kayleigh McEnany; campaign manager ni Trump na si Bill Stepien; ay Republican Senators Mike Lee, Thom Tillis at Ron Johnson.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.