Maaari nang magamit ng mga commuters ang app-based ride-sharing na GrabCar sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA simula sa Lunes, March 14.
Ito ay matapos bigyan ng kapangyarihan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang GrabCar Philippines na mag-operate sa mga NAIA terminal.
Pirmado nina MIAA Assistant General Manager Vicente Guerzon at Grab CEO Wee Tang Yee ang kasunduan na nagbibigay kapangyarihan sa transportation network company na kumuha at magbaba ng pasahero sa apat na terminal ng NAIA.
Ayon sa kasunduan, maaari lamang pumasok at maghintay sa loob ng NAIA terminals ang mga GrabCar na may kumpirmadong booking at hindi lalagpas sa dalawang minuto lamang sila pwedeng tumigil dito.
Ngunit paglilinaw ni MIAA spokesperson Dave de Castro, sa ngayon ay ang GrabCar at hindi ang GrabTaxi ang kanilang pinapayagan na mag-operate sa NAIA.
Kaugnay nito, mananatili pa rin sa 30 pesos ang base fare ng GrabCar at madadagdagan ng 12 pesos kada kilometro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.