Yellow rainfall warning itinaas din ng PAGASA sa ilang lalawigan sa Mindanao
Apektado ng malakas at patuloy na pag-ulan ang ilang lalawigan sa Mindanao.
Ayon sa PAGASA ang nararanasang pag-ulan ay epekto ng Habagat.
Alas 6:10 ng umaga ngayong Miyerkules, Oct. 7 nagtaas ng yellow warning sa sumusunod na lalawigan:
– Davao Oriental
– Davao de Oro
– Davao Occidental
– Davao City
– Davao del Norte
– Surigao del Sur
– Agusan del Sur
Babala ng PAGASA maaring makaranas ng pagbaha sa mabababang lugar.
Posible ding magdulot ng landslides ang nararanasang malakas na buhos ng ulan sa mga bulubunduking lugar.
Samantala, katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan naman ang nararanasan sa sumusunod na mga lalawigan:
– Agusan del Norte
– Surigao del Norte
– Dinagat Is.
– Davao del Sur
– Sultan Kudarat
– Maguindanao
– North Cotabato
– Bukidnon
– General Santos City
– South Cotabato
– Sarangani
– Lanao del Sur
Sa susunod na mga oras ay maaapektuhan na rin ng malakas na pag-ulan ang Lanao del Norte at Misamis Occidental.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.