DepEd pinalulusot ang mga estudyante ng pribadong paaralan na gustong umiwas sa K to 12
Ibinunyag ni independent senatorial candidate ang nangyayaring ‘palusot system’ sa mga umiiwas sa K to 12 program ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay Francis Tolentino, may mga impormasyon na siyang natatanggap na may mga pribadong kolehiyo na tumatanggap ng mga estudyanteng Grade 10 pa lamang ang natapos.
Pahiwatig pa ni Tolentino na ito ay pinalulusot ng DepEd.
Nilinaw naman din ng independent senatorial candidate na hindi siya kontra sa K to 12 program ngunit aniya dahil sa palusot system ay ang mga estudyante na galing sa mahihirap na pamilya pa ang bumabalikat sa gastusin ng mahabang curriculum.
Habang ang mga mayayaman na estudyante naman ay nakakadiretso sa mga pribadong kolehiyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.