Bayabas, Surigao del Sur nakaramdam muli ng aftershock
By Angellic Jordan October 06, 2020 - 03:25 PM
Nakaramdam muli ng aftershock ang Bayabas, Surigao del Sur.
Ito ay aftershocks ng tumama ang magnitude 5.7 na lindol sa nasabing bayan noong September 21.
Ayon sa Phivolcs, yumanig ang magnitude 3.6 na lindol sa 71 kilometers Northeast ng Bayabas dakong 2:41 ng hapon.
18 kilometers ang lalim nito at tectonic ang origin.
Gayunman, hindi nagdulot ng pinsala sa nasabing bayan ang lindol.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.