Dating Deputy Speaker Mikee Romero at Negros Rep. Teves kokomprontahin ni Speaker Cayetano kaugnay sa illegal business

By Erwin Aguilon October 06, 2020 - 12:15 PM

Binalaan ni House Speaker Alan Peter Cayetano sina Negros Oriental Rep. Arnulfo Teves Jr. at 1-Pacman party-list Rep. Mikee Romero na kanyang kokomprontahin kaugnay illegitimate or illegal business practices” ng dalawa.

Sinabi ni Cayetano na sa tamang panahon, kapag matapos na ang kanilang deliberasyon sa 2021 proposed P4.5-trillion national budget, ay kokomprontahin niya sina Romero at Teves dahil sa aniya’y iligal na gawain ng mga ito.

Malinaw anya sa Konstitusyon na hindi pwedeng gamitin ang posisyon ng congressman lalo kung illegitimate o illegal yung business.

Hindi naman binanggit ng house speaker ng detalye ng sinasabing illegal bussines ng dalawa.

Nauna nang inakusahan ni Deputy Speaker Lray Villafuerte, kaalyado ni Cayetano, si Teves, pati na si dating Negros Occidental Rep. Albee Benitez, nang pagkakasangkot sa illegal gambling.

Mababatid naman na si Romero ay negosyante na sangkot sa mga pantalan, minahan at air travel.

 

 

 

 

TAGS: House Speakership, Inquirer News, Mikee Romero, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, House Speakership, Inquirer News, Mikee Romero, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.