PNP handang tumugon sa utos ni Pangulong Duterte na sirain sa loob lang ng isang linggo ang mga nakukumpiskang ilegal na droga

By Dona Dominguez-Cargullo October 06, 2020 - 08:54 AM

Photo grab from PNP Facebook live video

Handa ang Philippine National Police (PNP) na tumugon sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na wasakin sa loob lang ng isang linggo ang mga nakukumpiskang ilegal na droga.

Ayon kay PNP chief Police General Camilo Pancratius Cascolan, kaya itong gawin ng PNP.

Sa kaniyang public address, sinabi ng pangulo na dapat agad nawawasak ang mga nakukumpiskang shabu sa mga operasyon para maiwasan ang recycling nito.

Partikular na utos ng pangulo na masira ang mga ito sa loob lang ng isang linggo.

Ayon naman kay PNP spokesman Police Colonel Ysmael Yu, nagtatagal lamang naman ang proseso kapag ginagamit pa bilang ebindesya sa korte ang mga nakukumpiskang ilegal na droga.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Illegal Drugs, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs, Illegal Drugs, Inquirer News, News in the Philippines, PNP, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.