India nakapagtala ng mahigit 59,800 kaso ng COVID-19 sa magdamag
Nadagdagan ng mahigit 59,000 pa ang mga kaso ng COVID-19 sa India.
Dahil dito, umabot na sa 6,682,073 ang kabuang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.
Mahigit 5.6 million na ang gumaling sa COVID-19 sa India.
Mas mataas ang recovery rate ng India kumpara sa recovery rate ng Estados Unidos na nakapagtala pa lamang ng mahigit 4.8 million na gumaling.
Samantala, mahigit 919,000 pa ang active cases sa India.
May naitala ding dagdag na halos 1,000 na pumanaw sa India dahil sa COVID-19.
Ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa naturang bansa ay 103,600 na.
Ang India ay pumapangalawa na sa US na mayroong pinakamaraming kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Pangatlo naman ito sa mga bansa na nakapagtala ng pinakamaraming bilang ng nasawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.