Reenacted budget para sa 2021, hindi tatanggapin ni Pangulong Duterte – Palasyo

By Chona Yu October 05, 2020 - 07:23 PM

Hindi tatanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reenacted budget para sa taong 2021.

Pahayag ito ng Palasyo sa gitna ng patuloy na girian sa speakership sa Kamara sa pagitan nina Speaker Alan Peter Cayetano at Marinduque Congressman Lord Allan Velasco.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, kinakailangang mapirmahan ang budget sa buwan ng Disyembre para maging epektibo sa Enero 1 sa susunod na taon.

“Ang ayaw po ng Presidente magkaroon ng reenacted budget. So kinakailangan mapirmahan po ang budget sa buwan ng Disyembre para maging epektibo sa a-uno ng Enero,” pahayag ni Roque.

Aabot sa P4.5 trilyon ang panukalang budget para sa susunod na taon.

Makailang beses nang sinabi ng Palasyo na hindi maaaring maantala ang pagpasa sa budget dahil nakapaloob doon ang recovery at rehabilitation plan ng pamahalaan sa COVID-19.

TAGS: 2021 budget, Alan Peter Cayetano, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, reenacted budget for 2021, Rep. Lord Allan Velasco, Sec. Harry Roque, 2021 budget, Alan Peter Cayetano, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, reenacted budget for 2021, Rep. Lord Allan Velasco, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.