Pangulong Duterte, hangad ang agarang paggaling nina U.S. Pres. Donald Trump, First Lady Melania Trump

By Chona Yu October 05, 2020 - 06:53 PM

Hangad ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang paggaling nina U.S. President Donald Trump at First Lady Melania Trump.

Pahayag ito ng Palasyo matapos magpositibo sa COVID-19 ang mag-asawang Trump.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, hindi maikakaila na malapit na magkaibigan sina Pangulong Duterte at Trump kung kaya hangad nito ang magandang kalusugan ng lider.

“Alam niyo po, malapit na magkaibigan ang ating Presidente at si President Trump. At ang mensahe ni Presidente: He wishes President Trump and his wife First Lady Melania a full and speedy recovery,” pahayag ni Roque.

Matatandaang makailang beses nang ibinida ni Pangulong Duterte na bestfriend na niya ngayon si Trump dahil sa hindi pagsalungat sa kanyang kampanya kontra sa ilegal na droga taliwas sa ginawang pagbatikos noon ni dating US President Barack Obama dahil nauwi na umano sa extrajudicial killings dahil sa dami ng napapatay na drug personalities.

TAGS: COVID-19 positive, First Lady Melania Trump, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, U.S President Donald Trump, COVID-19 positive, First Lady Melania Trump, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, U.S President Donald Trump

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.