Bilang ng Filipino abroad na nagpositibo sa COVID-19, umabot na sa 10,840
Nasa 291 ang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang October 5, umakyat na sa 10,840 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 79 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 3,139 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
153 naman ang bagong gumaling kung kaya 6,903 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Lima naman ang bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 798 na ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 7,127 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 1,201 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 810 naman ang kaso sa Americas at 1,702 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.