Burgos, Surigao del Norte nilindol
Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Surigao del Norte.
Ayon sa Phivolcs, namataan ang episentro ng lindol sa layong 31 kilometers Northwest ng Burgos dakong 5:00 ng hapon.
Tectonic ang origin ng lindol at walong kilometro ang lalim.
Gayunman, sinabi ng Phivolcs na walang napaulat na pinsala sa Burgos at iba pang karatig-bayan.
Wala rin anilang inaasahang aftershocks matapos ang pagyanig.
Samantala, muling niyanig ng lindol ang lugar.
Naitala ang magnitude 3.8 na pagyanig sa 31 kilometers northwest ng bayan pa rin ng Burgos, bandang 5:36 ng hapon at may lalim na 16 kilometers.
Naitala ang intensity 2 sa Burgos, Surigao del Norte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.