Malakas na ulan at pagbaha naranasan sa UAE, klase at flights suspendido
Kanselado ang klase, nasuspinde ang flights at nagsarado din ang stock market sa United Arab Emirates (UAE) dahil sa malakas na pag-ulan na naranasan mula kahapon.
Sinuspinde hanggang ngayong araw ang klase, dahil inaasahang makararanas pa rin ng mga pag-ulan.
Ang Flights sa Abu Dhabi airport ay nasuspinde rin ng ilang oras kahapon habang nakaranas din ng delay sa flights sa Dubai International Airport.
Ang pagbaha ay nagresulta din ng suspensyon sa stock market trading sa Abu Dhabi dahil ang mga traders ay hindi makabiyahe.
Sa mga larawan na nai-post sa social media, maraming mga sasakyan ang nalubog sa baha at may mga natumbang puno.
Sa Dubai, nakapagtala ang pulisya ng 250 na aksidente sa lansangan.
Ang UAE ay kabilang sa mga bansang bihirang makaranas ng pag-ulan.
Katunayan, ang taunang rainfall sa UAE ay umaabot lamang sa 78 millimeters (three inches).
Pero ayon sa National Centre for Meteorology and Seismology sa pag-ulan na naranasan kahapon ay nakapagtala sila ng 240 millimeters ng rainfall at ito ay nairekord sa bahagi ng Al-Ain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.