Manpower support ng PNP sa DepEd para sa pamamahagi ng learning materials, nananatili pa rin – Cascolan
Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na nananatili pa rin ang kanilang suporta sa Department of Education (DepEd).
Ito ay kasabay ng pagsisimula ng klase para sa School Year 2020-2021.
Sa press briefing, araw ng Lunes (October 5), sinabi ni PNP Chief General Camilo Caslocan na suportado pa rin ng kanilang hanay ang kagawaran pagdating sa pagbibigay ng manpower support sa mga pampublikong paaralan para sa pamamahagi ng learning materials at modules bilang bahagi ng Basic Learning Continuity Plan ng DepEd sa gitna ng kinakaharap na national health emergency.
Sa mga paaralan na magbubukas para sa blended learning methods, sinabi ng PNP chief na magbibigay ang pambansang pulisya ng police security.
“In some schools that will open for blended learning methods, the PNP will be on hand to provide police security and reassuring presence to address perennial law enforcement and public safety concerns in campuses and school zones, particularly in university belt areas of urban centers,” pahayag ni Cascolan.
Samantala, ipinarating din ni Cascolan ang pagbati ng PNP sa 1.1 milyong Filipino teachers sa mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa kasabay ng paggunita ng World Teachers’ Day.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.