Poe padadalhan si PNoy ng mga dokumento hinggil sa kaniyang renouncement of American citizenship

By Dona Dominguez-Cargullo March 10, 2016 - 09:55 AM

grace poeDahil tila “misinformed” umano si Pangulong Benigno Aquino III, padadalhan ito ng kampo ni Senator Grace Poe ng mga dokumento hinggil sa renouncement ng American Citizenship ng senadora.

Ito ay matapos sabihin kahapon ng pangulo na noong itinalaga niya bilang chairperson ng MTRCB si Poe noong taong 2010 ay 2011 pa lamang nagtungo si Poe sa isang consular officer ng Amerika para irenounce ang citizenship niya.

Pero ayon sa kampo ng senadora, hindi nagbigyan ng sapat na gabay sa usapin si Pangulong Aquino.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Atty. George Erwin Garcia, abugado ni Poe, ang unang reaksyon ng senadora nang marinig ang pahayag ng pangulo ay ang padalhan ito ng mga dokumento.

“Sabi ni Senator Poe, papadalhan niya ng dokumento si Pangulong Aquino na patunay na medyo may pagkakamali ang statement niya kahapon,” sinabi ni Garcia.

Paliwanag ni Garcia, noong October 2010 ay hinirang ni Pangulong Aquino si Poe bilang MTRCB Chairman. Noong panahon na iyon, si Poe ay dual citizen pa at dahil ipinagbabawal sa batas na mabigyan ng pwesto sa pamahalaan ang isang dual citizen, hindi muna tinanggap ni Poe ang pwesto.

Sinabi ni Garcia na agad gumawa ng hakbang si Poe para mai-renounce ang kaniyang American Citizenship sa pamamagitan ng notary public.

Tinanggap lamang aniya ni Poe ang pwesto nang siya ay hindi na dual citizen.

Noong July 2011, sinabi ni Garcia na bagaman tuluyan nang nai-renounce ni Poe ang kaniyang American citizenship ay nagpasya pa rin itong magtungo sa Embahada ng Amerika para gawin pang mas opisyal ang renouncement niya.

Una nang sinabi ng Pangulong Aquino na nagtataka siya kung bakit kinailangan pa ni Poe na magtungo sa consular officer ng Amerika ilang buwan matapos siyang maitalaga bilang MTRCB Chair.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.