Bilang ng active cases sa Mandaluyong City nadagdagan pa
Nadagdagan pa ang bilang ng coronavirus disease o COVID-19 active cases sa lungsod ng Mandaluyong.
Sa datos ng Mandaluyong City Health Department (Linggo, October 4, 4:26 PM), umabot na sa 501 ang bilang ng active cases sa lungsod kung saan nakapagtala ng 19 bagong kaso.
Ang bilang naman ng mga gumaling na o naka-recover na ay 4,152 kung saan 20 ang bagong naitala.
Ang bilang naman ng nasawi sa virus ay umabot na sa 150 kung saan nakapagtala ng 1 na bagong kaso.
Umabot naman na sa 4,803 ang kabuuang bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa lungsod.
Ang bilang ng probable ay 20 habang 1,426 naman ang suspected cases.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.