BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, umabot na sa 316,678
Mahigit 2,600 pa ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) araw ng Biyernes (October 2), umabot na sa 316,678 ang confirmed cases ng COVID-19 sa bansa.
Sa nasabing bilang, 56,445 ang aktibong kaso.
Sinabi ng kagawaran na 2,611 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.
87 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 8.8 porsyento ang asymptomatic; 1.3 porsyento ang severe habang 2.9 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.
Nasa 56 ang napaulat na nasawi.
Dahil dito, umakyat na sa 5,616 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
Ayon pa sa DOH, 416 naman ang gumaling pa sa bansa.
Dahil dito, umakyat na sa 254,617 ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.