Paghahain ng resignation ni House Speaker Cayetano walang katuturan

By Erwin Aguilon October 02, 2020 - 10:43 AM

Hindi talaga naghain ng pagbibitiw sa pwesto si Speaker Alan Peter Cayetano.

Ito ang paliwanag ni PBA Partylist Rep. Jericho Nograles.

Base aniya sa rules ng Kamara, maaaring magbitiw sa pwesto ang sinumang myembro at ito ay isang “personal choice” at hindi dapat pinagdedesisyunan ng buong kapulungan.

Bukod dito, sa oras na magresign ang isang Speaker ay agad na idinedeklarang bakante ang pwesto kung saan magbobotohan sa mga Deputy Speakers na pansamantalang hahalili na Acting Speaker.

Mananatili ang isang acting Speaker hanggang sa magbotohan na ang mga kongresista para sa pagpili ng bagong lider ng Mababang Kapulungan.

Pero ayon kay Nograles, ang ginawa ni Cayetano na paghahain ng resignation na agad namang ibinasura ng mga mambabatas sa ginawang botohan ay walang katuturan at walang epekto sa kanilang rules.

Ang naging epekto aniya ay nasayang ang panahon dahil nasuspindi ang deliberasyon sa budget lalo pa’t kailangang maipasa ang panukala ngayong may COVID-19.

Si Nograles ay hindi bumoto sa naging mosyon ni Anakalusugan Partylist Rep. Mike Defensor sa plenaryo na ibasura ang resignation ni Cayetano dahil ito aniya ay “absurd” o walang katotohanan at wala din sa kanilang rules ang nananawagan sa paghahain ng resignation.

 

 

TAGS: Alan Cayetano, House of Representatives, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alan Cayetano, House of Representatives, House Speakership, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.