35 turista bumisita sa unang araw ng muling pagbubukas ng Boracay
Umabot sa 35 ang bilang ng mga turista na dumating sa Boracay sa unang araw ng muling pagbubukas nito kahapon, Oct. 1.
Kahapon ganap na binuksan muli ang Boracay sa mga turista mula sa iba pang bahagi ng bansa.
Noong Hunyo ito unang binuksan para lamang sa mga taga-Western Visayas.
Ayon kay Tourism Sec. Bernandette Romulo-Puyat, ang mga duamting na turista ay mula Aklan at Iloilo.
Mayroon ding mangilan-ngilan na galing naman ng Metro Manila.
Sa pagbubukas ng Boracay sa mas maraming turista, kailangang may maipakitang negatibong resulta ng RT-PCR test ang mga bibisita.
Exempted naman sa nasabing rules ang mga residente ng Aklan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.