Tinapos na ng Department of Justice ang huling preliminary investigation sa kasong paglabag sa Comperehensive Dangerous Drugs Act na kinakaharap ni Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at ang chinese na si Yan Yi Shuo.
Nagsumite na ang dalawa ng rejoinder affidavit kay DOJ Senior Deputy State Prosecutor Theodore Villanueva.
Kalakip ng isinumite ni Marcelino na rejoinder ang logbook ng mga guwardiya sa Celadon residences kung saan inabutan ng mga operatiba ng PNP Anti illegal drugs group at PDEA sina Marcelino at Shou sa isang unit noong January 21.
Muling giniit ng dalawa na dapat mabasura ang reklamo sa kanila dahil pawang kasinungalingan ang mga alegasyon sa kanila.
Submitted for resolution na o pagpapasyahan na ng DOJ kung may sapat bang basehan o mabasura ang mga reklamong paglabag sa batas kontra iligal na droga laban sa mga akusado.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.