Halos 20,000 empleyado ng Amazon nagpositibo sa COVID-19

By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2020 - 08:00 AM

Simula nang magkaroon ng pandemic ng COVID-19, umabot na sa halos 20,000 ang bilang ng mga empleyado ng Amazon na nagpositibo sa sakit.

Ayon sa ulat ng Agence France-Presse, 19,800 ng mga empleyado ng Amazon ang tinamaa ng COVID-19.

Ang Amazon ay mayroong aabot sa 1.37 million na frontline workers.

Kabilang dito ang mga nakatalaga sa Whole Foods Market grocery stores sa Estados Unidos.

Tiniyak naman ng kumpanya na patuloy ang pagsasagawa nilang COVID-19 testing sa mga empleyado.

Siniguro din ng Amazon na agad silang gumagawa ng mga karampatang hakbang sa sandaling mayroong magpositibong empleyado sa kanilang mga site.

 

 

TAGS: amazon, BUsiness, covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, amazon, BUsiness, covid cases, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.