Deboto dumagsa sa Fist Friday mass sa Quiapo Church
By Dona Dominguez-Cargullo October 02, 2020 - 07:48 AM
Dagsa ang mga deboto sa Quiapo, Maynila para magsimba sa First Friday masses sa Quiapo Church.
Alas 5:00 ng umaga nagsimula ang unang misa ngayong unang Biyernes ng buwan ng Oktubre.
Isangdaang katao lamang kada misa ang pwedeng pumasok sa loob ng simbahan.
Kaya naman ang mga deboto na hindi na nakapasok sa loob, sa labas na lamang sa bahagi ng Villalobos Street nagtipon.
Pawang nakasuot ng face mask at face shield ang mga nagsisimba.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.