‘Sulu 4 rubout case’ mareresolba sa Oktubre – DOJ
Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na maaaring sa buwan ng Oktubre ay maresolba na ang mga kasong kriminal na inihain laban sa mga pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na Army intelligence officers noong Hunyo.
Sinabi ni Sr. State Pros. Richard Fadullon na nagsumite na ng kanilang counter-affidavits ang mga pulis at hinihintay na lang ang maaaring pagsagot ng kabilang panig.
Unang nagsampa ng kasong murder at planting of evidence ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa ilang pulis-Jolo na sina S/Sgt. Almudzrin Hadjaruddin, Pat. Alkajal Mandangan, Pat. Rajiv Putalan, Senior M/Sgt. Abdelzhimar Padjiri, M/Sgt. Hanie U Baddiri, S/Sgt. Iskandar Susulan, S/Sgt. Ernisar Sappal, Cpl. Sulki Andaki, at Pat. Mohammad Nur Pasani.
Sila ang pumatay kina Army Maj. Marvin Indammog, Army Capt. Irwin Managuelod, Army Sgt. Jaime Velasco, at Army Cpl. Abdal Asula.
Naganap ang pagpatay habang malapit nang arestuhin ng iba pang operatiba ng Army ang apat na suicide bombers na nagtatago sa Jolo.
Sa ngayon, nasa restrictive custody ang siyam na pulis sa Camp Crame.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.