Pagsailalim ng Metro Manila sa MGCQ, hindi imposible – Palasyo

By Chona Yu October 01, 2020 - 02:48 PM

Hindi imposible na isailalim sa modified general community quarantine ang Metro Manila.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, ito ay dahil sa pababa na ang kaso ng mga tinatamaan ng COVID-19.

Pero paalala ni Roque sa publiko, huwag pa ring kalimutan ang mga health protocol na itinakda ng pamahalaan.

Halimbawa na ang pagsusuot ng face mask, face shield, palagiang paghuhugas ng kamay, at physical distancing.

Paulit-ulit din aniya ang paalala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa “Ingat Buhay Para sa Kabuhayan” campaign.

Nasa general community quarantine (GCQ) pa ngayon ang Metro Manila hanggang sa katapusan ng Oktubre.

“It is not an impossibility dahil talaga naman pong napababa natin ‘no,” pahayag ni Roque.

TAGS: areas under MGCQ, COVID-19 update, Inquirer News, Metro Manila under GCQ, quarantine classifications, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, areas under MGCQ, COVID-19 update, Inquirer News, Metro Manila under GCQ, quarantine classifications, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.