Pag-reject ng Kongreso sa resignation ni House Speaker Alan Peter Cayetano, legal ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque

By Chona Yu October 01, 2020 - 10:35 AM

Walang nakikitang mali ang Palasyo ng Malakanyang sa ginawang pagbibitiw sa puwesto ni Speaker Alan Peter Cayetano subalit agad ding ni-reject ng mga miyembro ng Kongreso.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, legal ang naging proseso kahapon kung saan nagkaroon ng botohan ang mga kongresista para tanggihan ang pagbibitiw sa puwesto ni Cayetano.

Sinabi pa ni Roque na nasa Saligang Batas naman na ang mga kongresista ang may karapatan na pumili ng kanilang lider at hindi ang pangulo ng bansa.

Ayon kay Roque, noon pa man, naging malinaw na ang mensahe ni Pangulong Rodrigo Duterte na bagaman nagkaroon na ng gentleman’s agreement sina Cayenato at Congressman Lord Allan Velasco, mababalewala lahat ng ito kung walang numero si Velasco.

Pero ang ikinababahala aniya ng pangulo ngayon, hindi ang term sharing ng dalawang kongresista kundi ang pagpasa sa 2021 national budget na aabot sa P4.5 trilyon.

Hindi kasi aniya maaring maantala o magkaroon ng reenacted budget lalo’t nakasalalay roon ang COVID-19 response ng pamahalaan.

 

 

 

TAGS: Alan Peter Cayetano, Inquirer News, Lord Allan Velasco, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, Alan Peter Cayetano, Inquirer News, Lord Allan Velasco, News in the Philippines, president duterte, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.