Global cases ng COVID-19 mahigit 34.1 million na
Umabot na sa mahigit 34.1 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Miyerkules (Oct. 1) ay 34,153,075 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 329,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 41,000 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 86,700 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 33,200 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,447,282
India – 6,310,267
Brazil – 4,813,586
Russia – 1,176,286
Colombia – 829,679
Peru – 814,829
Spain – 769,188
Argentina – 751,001
Mexico – 743,216
South Africa – 674,339
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.