Mga residente sa San Juan kailangan munang magparehistro para makadalaw sa puntod ng mga yumaong mahal sa buhay
Simula ngayong araw, October 1, pwede nang magpa-reserve ng oras o slot ng pagbisita sa mga pampubliko at pribadong sementeryo at kolumbaryo sa Lungsod ng San Juan.
Pwedeng gawin ang pagpaparehistro online sa pamamagitan ng link na https://www.picktime.com/sanjuancityundas2020
Maari ding tumawag sa San Juan Undas Hotline na 7728-9818 o 09151627152
Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, bukas ang mga sementeryo at kolumbaryo sa lungsod sa mga sumusunod na araw:
– October 16-28
– November 5-15
Ang oras ng pagdalaw ay limitado lamang hanggang dalawang (2) oras bawat batch at hanggang dalawang miyembro lamang bawat pamilya ang maaaring magpatala sa bawat batch, sa itinakdang oras/slot.
Narito ang mga available na oras ng pagdalaw:
– 7:00-9:00 a.m.
– 9:00-11:00 a.m.
– 11:00 a.m.-1:00 p.m.
– 1:00-3:00 p.m.
– 3:00-5:00 p.m.
– 5:00-7:00 p.m.
– 7:00-9:00 p.m
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.