P1.5M na halaga ng high-grade marijuana nakumpiska ng BOC

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2020 - 08:06 AM

Nakumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang aabot sa P1.5 million na halaga ng high-grade na marijuana.

Ang kargamento ay idineklarang “Shisha” at naka-consigne sa isang Mateo Abato na residente ng Cebu City.

Sa isinagawang pagsusuri ng mga tauhan ng BOC sa sa kargamento, natuklasang naglalaman ito ng Kush Marijuana kaya agad nakipag-ugnayan sa PDEA at NAIA-IADITG para sa chemical laboratory.

Kalaunan ay nakumpirmang Kush Marijuana nga ang laman ng kargamento.

Para matukoy ang may-ari ng kargamento itinuloy ang pagpapadala ng kargamento sa Cebu at doon naaresto ang lalaking claimant.

 

 

 

TAGS: BOC, cebu, high grade, Inquirer News, Kush, Marijuana, NAIA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BOC, cebu, high grade, Inquirer News, Kush, Marijuana, NAIA, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.