Presyo ng LPG tumaas ngayong unang araw ng Oktubre

By Dona Dominguez-Cargullo October 01, 2020 - 06:36 AM

Taas-presyo sa Liquified Petroleum Gas (LPG) ang sumalubong ngayong unang araw ng buwan ng Oktubre.

Batay sa abiso ng Petron, may dagdag na P1 kada kilo ang kanilang LPG epektibo alas 12:01 ng madaling araw kanina.

Katumbas ito ng dagdag na P11 sa bawat 11-kilogram LPG cylinder.

May dagdag din na 56 centavos ang Petron sa bawat litro ng kanilang AutoLPG.

Samantala sa abiso naman ng kumpanyang Phoenix, P1 din ang dagdag sa bawat kilo ng kanilang Super LPG habang 55 centavos naman ang dagdag sa kanilang AutoLPG.

Ang kumpanyang Solane naman, 86 centavos ang dagdag sa bawat kilo ng LPG na epektibo alas 6:00 ng umaga kanina.

Ang dagdag presyo ay dahil sa pagtaas ng contract price ng LPG sa world market.

 

 

 

TAGS: BUsiness, Inquirer News, Liquified Petroleum Gas, LPG Price, LPG price hike, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, Inquirer News, Liquified Petroleum Gas, LPG Price, LPG price hike, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.