Palawan at Visayas apektado ng Habagat; LPA sa labas ng bansa binabantayan ng PAGASA
Isang Low Pressure Area (LPA) sa labas ng bansa ang binabantayan ng PAGASA.
Mayroon ding cloud custer na minomonitor ang PAGASA sa Silangang bahagi ng bansa na may tsansang maging LPA sa susunod na mga oras.
Dahil sa trough o extension ng LPA, ang Batanes at Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands ay makararanas ng maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkulog at pakidlat.
Ang nalalabing bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila ay makararanas lamang ng bahagyang maulap na papawirin na may localized thunderstorms.
Ayon kay PAGASA weather specialist Raymond Ordinario, mas magiging madalas pa ang thunderstorm sa hapon o gabi kahit papatapos na ang Habagat season.
Wala namang bagyo na inaasahang papasok o mabubuo sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR) sa susunod na mga araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.