8 katao, sugatan sa tangkang demolisyon sa Culiat, Quezon City
Hindi bababa sa walong katao ang sugatan sa tensyon sa pagtatangkang demolisyon sa Sitio Pagasa, Barangay Culiat, Quezon City.
Lima sa mga sugatan ay mga residente, habang ang tatlo ay mga pulis.
Nasa tatlong tao naman ang arestado makaraang mambato sa grupo ng anti-riot policemen at demolition team.
Sa kabila ng tensyon, hindi naisakatuparan ang paggiba sa mga bahay ng mga informal settler sa compound.
Sa halip, nagkasundo ang lahat na ang mga residente sa compound ay bibigyan ng hanggang Biyernes para kusang gibain ang bahay o self demolish.
Samantala, bago mag alas tres ngayong hapon ay humupa na ang tensyon sa lugar.
Ang naturang compound ay isang private land, at nauna nang naglabas ang korte ng kautusan para mabakante ang lupain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.