BDO humingi ng paumanhin sa kanilang mga kliyente

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2020 - 12:35 PM

Dahil sa naranasang problema sa digital banking channeles humingi ng paumanhin ang BDO sa kanilang mga kliyente.

Hanggang sa ngayon nakararanas pa rin ng problema sa BDO online at BDO app ang publiko.

Ayon sa BDO, hinihikayat nila ang mga kliyente na gumamit na lang muna ng ATM o bumisita sa pinakalamapit na branch para sa kanilang transaksyon.

Sinabi ng BDO na nakararanas sila ng mataas na volume usage sa kanilang digital channels at gumagawa na sila ng adjustments para dito.

Ngayong araw, mas mataas umano ang volume kaysa sa normal peak levels.

Sinabi ng BDO na gumagawa na sila ng paraan para i-upgrade ang sistema sa bagong digital banking platform.

 

 

 

TAGS: bdo, BUsiness, Digital Channels, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, bdo, BUsiness, Digital Channels, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.