Reno naghain na ng aplikasyon sa FDA para makapagparehistro

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2020 - 10:39 AM

Naghain na ng registration sa Food and Drug Administration (FDA) ang pamunuan ng Reno ang tanyag na brand ng liver spread.

Ayon kay FDA director General Eric Domingo, nagsumite na ng aplikasyon ang Reno para makapagparehistro sa ahensya.

Sumasailalim na lamang ito sa proseso para sa pag-apruba ng FDA.

Sinabi ni Domingo na humingi rin ng paumanhin ang pamunuan ng Reno sa nangyari.

Ani Domingo sa sandaling makatugon sa requirements kabilang ang pagpasa sa lahat ng standard ay makababalik na sila sa operasyon at pwede na ulit ibenta sa merkado.

Kamakailan nag-isyu ng babala sa publiko ang FDA laban sa Reno dahil sa kabiguan nitong magparehistro sa ahensya.

 

 

 

 

 

TAGS: FDA, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, reno liver spread, Tagalog breaking news, tagalog news website, FDA, Inquirer News, News in the Philippines, Radyo Inquirer, reno liver spread, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.