Tagong pork barrel ng mga kongresista hindi uubra kay Cong. Lord Allan Velasco

By Dona Dominguez-Cargullo September 30, 2020 - 08:24 AM

Nakasisiguro si Buhay Party List Rep. Lito Atienza na hindi uubra kay Rep. Lord Allan Velasco ang mga nakatagong pork barrel ng ilang kongresista.

Kasunod ito ng mga bali-balitang mauupo na bilang house speaker ng Kamara si Velasco matapos ang pag-uusap na naganap kahapon sa Malakanyang kasama si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa panayam ng Radyo INQUIRER, sinabi ni Atienza na para sa mangilan-ngilang kongresista na may tagong pork barrel pa din, hindi ito makalulusot kay Velasco.

Sinabi din ni Atienza na walang magiging epekto sa pagpasa ng national budget ang pagpapalit ng liderato ng kamara.

Ang kailangan lang aniya ay panatilihin muna ni Velasco ang mga kasalukuyang posisyon sa mababang kapulungan upang hindi maantala ang pagtalakay sa pambansang budget.

Saka na lamang aniya magpalit ng mga liderato kapag nagkaroon na ng assessment ay kapag nakita na ang performance ng mga mambabatas.

Payo naman ni Atienza kay House Speaker Alan Peter Cayetano, tigilan na ang pagsisinungaling at sa halip ay magtulungan na lamang sila sa kamara.

 

 

 

TAGS: House Speakership, Inquirer News, Lord Allan Velasco, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website, House Speakership, Inquirer News, Lord Allan Velasco, News in the Philippines, Radyo Inquirer, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.