Gobyerno hindi totoong handa sa K to 12 program, ayon kay Tolentino

By Jan Escosio March 09, 2016 - 12:47 PM

Francis TolentinoNaniniwala si ndependent senatorial candidate Francis Tolentino na hindi pa ganap na handa ang gobyerno, partikular na ang Department of Education (DepEd) sa pagpapatupad ng K to 12 program.

Ibinigay na halimbawa ni Tolentino ang matinding kakulangan pa rin sa mga classroom para sa senior high school students.

Aniya sa 7,491 high schools sa bansa, 5,800 pa lang ang may kakayahan na magturo ng senior high school.

Dagdag pa ni Tolentino hanggang 2.2 milyon lang na papasok sa senior high ang matatanggap at ang natitira na 800,000 hanggang 1 milyon ay kailangan pumasok sa private schools o kaya sa mga state colleges and universities na may grades 11 at 12.

Giit ng senatorial candidate na pagpapakita lang ito na talagang hindi napaghandaan ng husto ng gobyerno ang k to 12 program.

Kinuwestiyon din ni Tolentino, na isang abogado, ang ginagawang pagpapalusot ng DepEd sa mga estudyante ng pribadong paaralan na gustong umiwas sa K to 12 program.

Sinabi ni Tolentino na marami na siyang narining na ulat na tumatanggap ang mga pribadong kolehiyo ng mga estudyanteng Grade 10 pa lamang ang natapos.

Sang-ayon man si Tolentino sa layunin ng K to 12, aniya hindi makatarungan na kung sino pa yung mga magulang na hirap sa mas mahabang curriculum dahil kapos ang pera sa pagpapaaral ng mga anak ang siya pang puwersadong tapusin ang senior high school samantalang pinapalusot ang mga mayayamang nag-aaral sa pribadong paaralan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.