Provincial buses may biyahe na sa 12 modified routes simula ngayong araw
Bukas na simula ngayong araw, Sept. 30 ang 12 modified routes ng mga Provincial Bus.
Ayon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), ang mga provincial bus na papayagan nang bumiyahe ay sa mga sumusunod na ruta:
1. San Fernando, Pampanga – Araneta Center, Cubao, Quezon City
2. Batangas City, Batangas – Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx)
3. Lemery, Batangas – PITx
4. Lipa City, Batangas – PITx
5. Nasugbu, Batangas – PITx
6. Indang, Cavite – PITx
7. Mendez, Cavite – PITx
8. Tagaytay City, Cavite – PITx
9. Ternate, Cavite – PITx
10. Calamba City, Laguna – PITx
11. Siniloan, Laguna – PITx
12. Sta. Cruz, Laguna – PITx
Kailangang mayroong QR code ang bus na ibinigay ng LTFRB sa operator.
Bukod pa rito, may requirement din sa mga operators na maglagay ng Global Navigation Satellite System para ma-monitor ang pagbiyahe ng mga bus.
Point-to-point ang biyahe ng mga bus at pwede lamang magbaba at magsakay sa designated stopovers at sa terminal.
Hindi rin sila pwedeng dumaan sa EDSA.
Para sa mga pasahero, kailangang magdala ng mga sumusunod para makasakay at makabiyahe sa mga Provincial Bus:
1. Travel Authority/Pass mula sa PNP sa terminal na panggagalingan ng pasahero;
2. Valid ID na may kalakip na importanteng impormasyon ng pasahero tulad ng Address/Place of Origin, Edad, at Lugar kung saan nag-aaral o nagtatrabaho;
3. Written Consent na pumapayag ang pasahero na sumailalim sa COVID-19 testing o magpa-quarantine sa terminal na pinagmulan at/o huling destinasyon sakaling ito ay kailanganin ng LGU;
4. Iba pang mga dokumentong kailangan ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) at local government unit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.