Bulacan cybersex den sinalakay, tatlong babae nailigtas

By Jan Escosio September 29, 2020 - 10:44 PM

Sinugod ng mga tauhan ng PNP-CIDG ang isang cybersex den sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Nailigtas ang tatlong kabataang babae at naaresto ang sinasabing operator na nakilalang si Ma. Cristina Dino.

Nakatakas naman ang sinasabing may-ari na si Marissa Montemor.

Ayon kay CIDG Director Joel Coronel, naaktuhan nila ang tatlong kabataang babae na inilalantad ang kanilang mga katawan sa kanilang online customers.

Aniya, dalawa sa mga nailigtas ay may edad 19, samantalang ang isa naman ay 27-anyos at iniligtas na rin ang isang binatilyo.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Anti-Trafficking in Person Act sina Dino at Montemor.

TAGS: Bulacan cybersex den, CIDG Director Joel Coronel, Inquirer News, Ma. Cristina Dino, Marissa Montemor, PNP-CIDG, Radyo Inquirer news, Bulacan cybersex den, CIDG Director Joel Coronel, Inquirer News, Ma. Cristina Dino, Marissa Montemor, PNP-CIDG, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.