348 katao, nahuling lumabag sa mga ordinansa sa Navotas City

By Angellic Jordan September 29, 2020 - 07:51 PM

Umabot sa 348 ang nahuling lumabag sa ipinatutupad na safety measures at iba’t ibang ordinansa sa Navotas City sa magdamag.

Batay ito sa ulat ng Navotas City police, Task Force Disiplina at mga barangay.

Nahuli ang nasabing bilang ng violators mula 5:00, Lunes ng hapon (September 28), hanggang 5:00, Martes ng hapon (September 29).

Pinakamaraming nahuling lumabag sa curfew na umabot sa 171 kung saan 99 ang adult habang 72 ang menor de edad.

Sumunod dito ang hindi nagsuot o hindi tama ang pagkakasuot ng face mask na umabot sa 153.

Lima naman ang bilang ng mga hindi sumunod sa isa hanggang dalawang metrong physical distancing.

Samantala, tatlo ang nahuling walang suot na damit pang-itaas, isa ang naninigarilyo habang 15 sa iba pang ordinansa.

TAGS: city ordinance violation, curfew violation, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violation, city ordinance violation, curfew violation, Inquirer News, Navotas City Police, Radyo Inquirer news, social distancing violation

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.