Pangulong Duterte, hindi magbibitiw sa pwesto

By Chona Yu September 29, 2020 - 03:32 PM

Hindi magre-resign si Pangulong Rodrigo Duterte.

Paglilinaw ito ng Palasyo ng Malakanyang makaraang sabihin ni Pangulong Duterte na nais na niyang mag-resign sa puwesto dahil sa matinding korupsyon sa pamahalaan.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, dalawang taon na lang kasi ang natitirang termino ni Pangulong Duterte.

“Tingin ko hindi po siya magri-resign ngayon dahil dalawang taon na lamang natitira sa kaniyang termino,” pahayag ni Roque.

Ayon kay Roque, gugugulin ni Pangulong Duterte ang huling dalawang taong panunungkulan sa paglilinis sa iba’t ibang ahensiya ng gobyerno.

Matatandaang makailang beses nang sinabi ng Pangulo na nais na niyang magbitiw sa puwesto dahil sa talamak na korupsyon sa pamahalaan.

TAGS: corruption, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque, corruption, Inquirer News, president duterte, Radyo Inquirer news, Sec. Harry Roque

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.