Regional at Provincial IATF pinakikilos para hindi na madagdagan ang kaso ng COVID-19 sa Batanes
Pinakikilos ni National task force on COVID-19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ang Regional at Provincial Inter-Agency Task Force kasunod ng pagkakaroon na ng unang kaso gn COVID-19 sa Batanes.
Sa pahayag sinabi ni Galvez na kailangang agad maisagawa ang surveillance case finding.
Kailangan ding agad mai-isolate ang pasyente at agad isailalim sa swab test ang naging unang contact nito.
Naniniwala si Galvez na kakayaning tugunan ng provincial government ang sitwasyon lalo pa at nag-iisa pa lang ang kaso.
Kailangan lang aniyang maging maagap ang provincial government, mga alkalde, at mga kapitan ng barangay para ma-contain ang posibleng paglaglaganap ng kaso.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.