Bahagi ng Zambales uulanin sa susunod na mga oras ayon sa PAGASA
By Dona Dominguez-Cargullo September 29, 2020 - 10:08 AM
Makararanas ng pag-ulan sa susunod na mga oras ang bahagi ng Zambales.
Sa inilabas na thunderstorm advisory ng PAGASA alas 10:00 ng umaga ngayong Martes (Sept. 29), katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan ang mararanasan sa Santa Cruz, Zambales.
Pinapayuhan ang mga residente na maging maingat sa posibleng pagbaha sa mabababang lugar at landslides sa bulubunduking lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.