Global cases ng COVID-19 mahigit 33.5 million na
Umabot na sa mahigit 33.5 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Martes(Sept.29) ay 33,542,877 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 229,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang US ay nakapagtala ng mahigit 37,400 na dagdag na mga kaso.
Mahigit 69,600 naman ang bagong kaso na naitala sa India.
Ang Brazil ay nakapagtala ng dagdag na 16,000 na mga kaso.
Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:
USA – 7,361,611
India – 6,143,019
Brazil – 4,748,327
Russia – 1,159,573
Colombia – 818,203
Peru – 808,714
Spain – 748,266
Mexico – 730,317
Argentina – 723,132
South Africa – 671,669
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.