Ilang rebelde nakasagupa ng mga sundalo sa Misamis Occidental
May nakumpiskang war materials ang mga tauhan ng Philippine Army matapos makasagupa ang hindi bababa sa 10 rebelde sa Misamis Occidental
Ayon sa AFP-Western Mindanao Command, nagsasagawa ng combat operations ang mga tauhan ng 10th Infantry Battalion nang maka-engkwentro ang nasa sampung miyembro ng communist terrorist group sa Purok 2, Barangay San Lorenzo Ruiz bayan ng Sinacaban.
Ayon ay Brig. Gen. Leonel Nicolas, 102nd Infantry Brigade Commander, umatras ang mga rebelde sa kasagsagan ng palitan ng putok.
Wala namang nasaktan sa panig ng mga sundalo.
Nakuha sa pinangyarihan ng engkwentro ang tatlong backpacks, isang 40mm grenade, mga gamot at personal na gamit ng mga komunista.
Patuloy namang tinutugis ang mga tumakas na komunista.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.