Pangulong Duterte ipa-aabolish na sa Kamara ang PhilHealth
Ipapanukala ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kamara na i-abolish o buwagin na ang PhilHealth.
Sa kaniyang pre-recorded speech, sinabi ni Pangulong Duterte na imposibleng i-privatize ang PhilHealth.
Wala na kasi aniya itong pondo.
Habang hindi pa naipatutupad ang pag-abolish sa ahensya, sinabi ng pangulo na magpapatupad muna siya ng revamp at gagawin niya ito sa laliong madaling panahon.
Naniniwala ang pangulo na wala nang magagawa pa sa ahensya matapos matuklasan ang matinding korapsyon doon.
Isa sa ikinukunsidera ni Pangulong Duterte ang pagbitiwin ang lahat ng tao sa PhilHealth.
“These people will no longer do. They’re already entrenched. Nothing will happen. It’ either I’m going to revamp it or consider everybody resigned there,” he went on,” ayon sa pangulo.
Magugunitang inaprubahan ni Pangulong Duterte ang pahahain ng reklamo laban sa mga opisyal ng Philhealth kabilang ang dating pinuno nito na si Ricardo Morales.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.