Bilang ng enrollees para sa SY 2020-2021, umabot na sa higit 24.66 milyon
Umakyat na sa 24.66 milyon ang bilang ng mga estudyante na nakapag-enroll sa bansa para sa School Year 2020-2021.
Ito ay base sa inilabas na datos ng Department of Education (DepEd) bandang 8:00, Lunes ng umaga (September 28).
Ayon sa DepEd, tinatayang 24,661,788 na ang bilang ng enrollees sa bansa.
Katumbas ito ng 88.80 porsyento ng enrollees noong School Year 2019-2020.
Sa nasabing bilang, 22,460,996 mag-aaral ang nag-enroll sa mga pampublikong paaralan habang 2,148,030 naman ang nasa private schools.
Karamihan sa naitalang kabuuang bilang ng enrollees ay elementarya students na nasa 11,833,124.
Umabot naman sa 7,780,860 ang mga nakapag-enroll sa Junior High School at 2,830,502 sa Senior High School.
Nasa 1,752,099 na mag-aaral ang nag-enroll sa Kindergarten habang 393,163 sa Alternative Learning System.
72,040 naman ang learner with disabilities (non-graded) na nakapag-enroll.
Inaasahang madaragdagan pa ang bilang ng enrollees.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.