Higit 1,000 aso, nabigyan ng libreng bakuna sa Maynila

By Angellic Jordan September 28, 2020 - 06:14 PM

Binigyan ng libreng bakuna ang ilang aso at pusa sa Lungsod ng Manila, araw ng Lunes (September 28).

Ayon sa Manila Public Information Office, ito ay bahagi ng pakikiisa s selebrasyon ng World Rabies Day.

Sakop ang Zone 15 at Zone 16 ng 2nd district sa mga binigyan ng Veterinary Inspection Board (VIB) ng libreng bakuna at deworming.

Aabot sa 1,167 aso at 148 pusa ang nabakunahan habang 145 naman ang nabigyan para sa deworming.

“Ngayon pong mayroong sakit na lumalaganap sa ating bansa, dapat po na isipin rin natin ang kalagayan ng ating mga alaga. Huwag po natin kaligtaan ang kanilang bakuna at maging responsable po tayo sa lahat ng oras,” pahayag ni VIB Director Dr. Nick Santos Jr.

Magtutuluy-tuloy ang libreng anti-rabies vaccination ng VIB.

Narito ang petsa at lugar kung saan maaaring dalhin ang mga alagang hayop:
Sept. 29 – District 3, Barangay 312
Sept. 30 – District 1, Barangay 3
Oct. 2 – District 1, Barangay 59

Maaaring magpabakuna mula 8:00 ng umaga hanggang 12:00 ng tanghali.

Nagpaalala naman ang VIB sa mga magpapabakuna na sundin ang health protocols tulad ng pagsusuot ng face shield at face mask at isang metrong physical distancing.

Ang selebrasyon sa taong 2020 ay may temang “End Rabies: Collaborate, Vaccinate.”

TAGS: deworming, free vaccine for cats, free vaccine for dogs, Inquirer News, Manila VIB, Radyo Inquirer news, World Rabies Day, deworming, free vaccine for cats, free vaccine for dogs, Inquirer News, Manila VIB, Radyo Inquirer news, World Rabies Day

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.