Almeria bypass road sa Biliran, inaasahang makukumpleto bago matapos ang 2020
Patuloy ang pagsasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Almeria Bypass Road sa Biliran Province bago matapos ang taong 2020.
Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar, nasa second and final phase na ang 1.262-kilometer bypass road project na mayroong dalawang metrong tulay.
Base aniya sa ulat ni DPWH Biliran DEO District Engineer David Adongay Jr., inaasahang magagamit na ng mga motorista ang Almeria Bypass Road mula Sitio Daro hanggang Upper Look sa fourth quarter ng 2020.
Binigyang prayoridad ang proyekto kasunod ng road widening project sa main highway ng Almeria.
Ayon naman kay Adongay, oras na makumpleto ang proyekto, inaasahang makatutulong ito para sa mas malawak at ligtas na pagbiyahe sa bayan ng Almeria.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.