Karagdagan pang isolation facilities, itinatayo sa Davao

By Angellic Jordan September 28, 2020 - 02:47 PM

Nagsasagawa pa ang karagdagang quarantine o isolation facilities sa Davao airport para sa mga darating na pasahero, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sinabi ni DPWH Secretary Mark Villar na nagbaba siya ng direktiba kay DPWH Undersecretary and Task Force to Facilitate Augmentation of Local and National Facilities Emil Sadain na magtayo pa ng isolation facilities para sa mga pasaherong naghihintay ng resulta ng swab test pagkadating ng naturang paliparan.

Ani Sadain, makatutulong ang 400-bed isolation facility kasabay ng mahigpit na ipinatutupad na control measures ng Davao City government sa pamumuno ni Mayor Sara Duterte-Carpio.

Samantala, ginagawa na rin ang iba pang healthcare facilities sa Davao City at inaasahang matatapos sa buwan ng Oktubre.

Kabilang dito ang isang isolation facility sa Panacan na may 40 beds capacity, at isa pang dormitory facility para sa medical frontliners na nagtatrabaho sa Davao Southern Philippines Medical Center.

TAGS: COVID-19 response, DPWH, Inquirer News, isolation facilities in Davao City, quarantine facilities in Davao City, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar, COVID-19 response, DPWH, Inquirer News, isolation facilities in Davao City, quarantine facilities in Davao City, Radyo Inquirer news, Sec. Mark Villar

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.